
Iginawad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Order of Lakandula na may ranggong Grand Cross (Bayani) kay outgoing Chief Justice Alexander Gesmundo bilang pagkilala sa kanyang serbisyo sa bansa at mga reporma sa hudikatura.
Kabilang sa mga repormang kinilala ng pangulo ang modernisasyon ng sistema ng hustisya, kabilang ang paggamit ng electronic notarization.
Magreretiro si Gesmundo sa Nobyembre 6 sa edad na 70, alinsunod sa itinakdang retirement age para sa mga mahistrado.
Samantala, sinabi ng Malacañang na iaanunsyo ni Pangulong Marcos ngayong linggo ang susunod na Chief Justice.
Facebook Comments










