Bagong mga SAF commando, nagtapos ng kanilang kurso

Matagumpay na natapos ng 116 police commandos ang anim na buwang pagsailalim sa Special Action Force (SAF) Commando Course.

Dinaluhan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang closing ceremony bilang guest of honor at speaker sa headquarters ng 83rd Infantry Battalion sa Tigaon, Camarines Sur.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Azurin ang pamunuan ni SAF Director BGen. Edgar Alan Okubo para sa kanyang pagsusulong na mapahusay ang kakayahan ng SAF troopers at gawin silang handa sa lahat ng oras.


Ang SAF Commando Class 113-2021 ay kilala rin bilang ADMIRALS o Alliance of the Defender of Mother Land Imbued with Respect for the Almighty, Love of Country and Selfless services.

Itatalaga ang 116 na bagong miyembro ng elite force sa iba’t ibang bantalyon upang tugunan ang kampanya laban sa lawless elements, insurhensya at teroristang grupo.

Facebook Comments