Wednesday, November 4, 2026

Paglahok ng China sa Asean Summit, hindi hinahadlangan ng Pilipinas; Palasyo, umaasa sa pagdalo ni Chinese President Xi Jinping

Iginiit ng Malacañang na hindi hinahadlangan ng Pilipinas ang partisipasyon ng China sa mga pulong ng ASEAN, sa kabila ng alegasyon ng Beijing na naglagay ng mga hadlang ang bansa sa kanilang paglahok sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting sa Cebu.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakapagpadala naman ang China ng kinatawan sa naturang pulong sa katauhan ni Senior Captain Yang Lei, ang Chinese Defense Attaché sa Pilipinas, na nabigyan din ng pagkakataong magbigay ng mensahe at komento.

Umaasa rin ang Malacañang na dadalo si Chinese President Xi Jinping sa ASEAN Leaders’ Summit sa Pilipinas ngayong Nobyembre.

Magandang pagkakataon aniya ito para mapag-usapan at maresolba ang mga isyung kinakaharap ng mga bansa sa rehiyon.

Samantala, wala namang plano ang Pilipinas na maglabas ng joint statement kasama ang iba pang miyembro ng ASEAN bilang tugon sa pahayag ng China na hinahadlang ang kanilang paglahok sa summit.

Facebook Comments