Monday, November 2, 2026

Oil hub sa Pilipinas, target maisakatapuran sa susunod na taon

Target na ipatayo ang oil storage facility sa bansa sa 2027 sa ilalim ng partnership ng United Arab Emirates at Pilipinas.

Kaugnay nito ay isinusulong ni Committee on Energy Chairman Senator Erwin Tulfo ang pakikipag-ugnayan sa UAE sa pamamagitan ng Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC).

Pinangunahan ni Tulfo ang delegasyon ng bansa kasama sina Philippine Ambassador to UAE H.E. Alfonso Ver at Special Envoy Kathryna Yu-Pimentel kung saan kanilang itinulak na kayang maisakatuparan ang oil hub sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtutulungan ng gobyerno ng dalawang bansa at mga pribadong kumpanya.

Sinabi ni Tulfo na pinabibilis ang pagtatayo ng imbakan ng langis dahil malaki ang maitutulong nito sa mga Pilipinong nahihirapan sa tuwing nagmamahal ang presyo ng petrolyo at kuryente.

Tinukoy pa ng senador ang kawalan ng access ng bansa sa suplay ng langis.

Samantala, handa naman ang UAE na ipagpatuloy ang paguusap at nakahanda rin sila na magpadala ng halimbawang kontratang maaaring mapag-aralan ng pamahalaan ng Pilipinas.

Facebook Comments