Tuesday, November 3, 2026

Pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkang Mayon noong October 30, umabot na sa mahigit 70-K, ayon sa talaan ng DSWD

Umabot na sa humigit-kumulang 300-k indibidwal ang naitala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD – Disaster Response Management na apektado ng pagputok at pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay noong October 30.

Base sa pinakahuling tala ng ahensya kagabi (Nov. 2 – 6pm), katumbas ito ng mahigit 71-k na pamilya, mula sa 159 na barangay sa Bicol Region.

Aabot na rin sa mahigit 1,700 indibidwal o 517 na pamilya ang nananatili sa 11 bukas na evacuation centers sa rehiyon, habang 15 indibidwal o katumbas ng 8 pamilya naman ang kasalukuyang nakikitira sa mga kaanak, kaibigan, o kakilala na hindi apektado ng sakuna.

Naghatid na rin ang ahensya ng humanitarian assistance na nagkakahalaga ng mahigit P318-million sa mga apektadong pamilya, gaya ng family food packs, ready-to-eat foods, malinis na tubig, at iba pa; habang may mahigit P4-billion pa namang standby funds ang ahensya sakaling kailanganin ng karagdagang tulong.

Samantala, wala pa namang naitatalang bahay na napinsala ang ahensya sa nasabing rehiyon.

Facebook Comments