Wednesday, July 15, 2026

BAGONG PAMUNUAN NG PANGASINAN PNP PRESS CORPS, NAKIPAGPULONG SA PANG PPO

Ipinakilala ng bagong halal na mga opisyal ng Pangasinan PNP Press Corps ang kanilang pamunuan at mga programa sa isinagawang courtesy call sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO) noong Hulyo 14, 2026.

Dinaluhan ang pagpupulong ng mga kinatawan mula sa Energy FM, Philippine Information Agency (PIA), at ng bagong hanay ng mga opisyal ng media organization.

Sa talakayan, napag-usapan ng Pangasinan PPO at Pangasinan PNP Press Corps ang mga posibleng pagtutulungan kaugnay ng pagpapalaganap ng napapanahon at tumpak na impormasyon sa publiko, gayundin ang kahalagahan ng responsableng pamamahayag.

Tinalakay rin ang mga inisyatiba at mga susunod na aktibidad ng organisasyon na may kaugnayan sa ugnayan ng kapulisan at media.

Layunin ng pulong na magsilbing pagkakataon para sa pagkilala sa bagong pamunuan ng press corps at pagbabahagi ng mga pananaw ukol sa patuloy na koordinasyon sa pagitan ng dalawang panig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments