
Tatlong indibidwal ang naaresto ng mga tauhan ng Rosales Municipal Police Station (MPS) sa magkakasunod na operasyon noong umaga ng Hulyo 14, 2026 dahil sa kasong Grave Coercion.
Ayon sa ulat, unang isinagawa ang pag-aresto bandang alas-8:30 ng umaga sa Rosales, Pangasinan laban sa isang 21-anyos na babaeng nagtatrabaho bilang washer/refiller at residente ng nasabing bayan.
Sinundan ito ng ikalawang operasyon dakong als-8:50 ng umaga, kung saan nadakip ang isang 28-anyos na lalaking may asawa na isang construction worker, at ang ikatlong pag-aresto naman ay isinagawa bandang alas-9:05 ng umaga laban sa isang 34-anyos na lalaking may asawa na delivery driver.
Ang tatlong akusado ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) para sa kasong Grave Coercion sa ilalim ng Criminal Case No. 10701, na may inirekomendang piyansa na ₱36,000.
Matapos ang operasyon, agad silang dinala at nananatili sa kustodiya ng Rosales MPS para sa kaukulang disposisyon ng korte.










