MGA ININSPEKSYONG PAARALAN, TULAY AT GUSALI SA MANAOAG, WALA UMANONG NAITALANG PINSALA MATAPOS ANG LINDOL

‎Walang naitalang anumang pinsala sa mga pangunahing imprastraktura sa Manaoag matapos ang lindol na yumanig sa lugar bandang alas-2:30 ng hapon, ng July 9, 2026, ayon kay Mayor Jeremy Agerico Rosario.

‎Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi ni Mayor Jeremy Agerico Rosario na “so far, so good” ang naging resulta ng isinagawang inspeksyon dahil wala silang nakitang anumang pinsala sa mga gusali, paaralan, tulay, at iba pang mahahalagang pasilidad sa bayan.

‎SOT: Mayor Jeremy Agerico Rosario, Manaoag Mayor

‎Ito ay alinsunod isinagawang Rapid Earthquake Damage Assessment System (REDAS) o inisyal na assessment ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa mga pangunahing imprastraktura.

‎Nahati sa tatlong grupo ang mga department heads at tauhan ng lokal na pamahalaan na nagtungo sa iba’t ibang barangay para inspeksyunin anh mga paaralan, tulay, at iba pang pampublikong istruktura.

‎Kabilang sa mga isinailalim sa inspeksyon ang Manaoag National High School, Manaoag Central School, Lipit National High School, Lipit Elementary School, Pedro Bautista Elementary School at Colegio de San Juan de Letran.

‎Gayundin, sinuri ang Minor Basilica of Manaoag at mga pangunahing tulay tulad ng Licsi, Baritao, San Ramon, Aloragat, Nalsian, at Cabanbanan Bridge.
‎ ‎Bagama’t walang naitalang pinsala, pinaalalahanan pa rin ng mga awtoridad ang publiko na iwasang pumasok sa mga gusaling may nakikitang senyales ng pinsala hangga’t hindi ito idinedeklarang ligtas, at sundin ang mga abiso ng mga awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments