
Naging sentro ng talakayan hinggil sa usaping pandagat ang Alaminos City matapos idaos dito ang Inter-Agency Kick-Off Activity ng Barangay Advocacy Team (BAT) para sa West Philippine Sea Forum noong Hulyo 14, 2026 sa Barangay Poblacion.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya, kabilang ang 105th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1), Alpha (Avenger) Company ng 71st Infantry Battalion ng Philippine Army, Philippine Coast Guard, 1st Provincial Mobile Force Company ng Pangasinan Police Provincial Office, Alaminos City Police Station, lokal na pamahalaan ng Alaminos City, at mga opisyal ng barangay.
Tinalakay sa forum ang mga usapin kaugnay ng territorial awareness, maritime security, at community resilience bilang bahagi ng Integrated Coastal Barangay Empowerment Program (ICBEP) na nakatuon sa mga pamayanang nasa baybaying lugar.
Ang pagtitipon ay nagsilbing venue para sa palitan ng pananaw at koordinasyon ng mga ahensya at lokal na pamahalaan sa mga programang may kaugnayan sa mga coastal barangay at sa kamalayan ng mga residente hinggil sa West Philippine Sea.
Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, binigyang-diin ang papel ng mga komunidad sa baybayin bilang katuwang sa pagbabahagi ng impormasyon at pagpapaunlad ng kahandaan sa mga usaping pandagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










