Bahagi ng North Avenue sa Quezon City, pansamantalang isasara mula Biyernes

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pansamantalang pagsasara sa bahagi ng North Avenue sa Eastbound patungong Elliptical Road sa Quezon City.

Ito ay epektibo sa October 15, 2021 hanggang June 1, 2022 para bigyang daan ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).

Pinapayuhan naman ang mga motorista na patungo Elliptical Road na dumaan muna sa Quezon Avenue via Agham Road.


Ayon sa MMDA, bahagya lamang ang magiging epekto nito sa daloy ng trapiko dahil una na rin itong isinara sa trapiko.

Facebook Comments