BANGKAY, NAREKOBER SA AGNO RIVER SA SANTA MARIA

Nagsagawa ng retrieval operation ang mga responder matapos makumpirmang may bangkay na lumulutang sa Agno River sa Santa Maria, Pangasinan, madaling-araw ng September 13, 2026.


‎Kabilang sa mga rumesponde ang Santa Maria Municipal Police Station, Local Disaster Risk Reduction and Managemet Office (LDRRMO), at Bureau of Fire Protection (BFP).


‎Ayon sa paunang impormasyon, ilang residente ang nakapansin sa katawan sa ilog at agad na nag-alerto sa mga awtoridad.

‎Naging maingat ang mga responder sa pagsasagawa ng operasyon dahil sa kondisyon ng tubig at malakas na agos ng ilog. Agad ding isinailalim sa seguridad ang lugar habang isinasagawa ang water-response operation.

‎Hindi pa nakumpirma ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima. Isasailalim ang mga labi sa kaukulang pagsusuri at medico-legal examination upang matukoy ang pagkakakilanlan at sanhi ng pagkamatay.

‎Nanawagan naman ang Santa Maria PNP sa mga pamilyang may nawawalang kaanak na makipag-ugnayan sa himpilan ng pulisya sakaling may impormasyong makatutulong sa pagkilala sa biktima. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments