Ayon sa Facebook post ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez, sinimulan na ng dalawang contractor ang paggawa ng naturang drainage structure. Gayunman, hinihintay pa ang bahagyang paghupa ng epekto ng habagat at pagbaba ng lebel ng tubig bago tuluyang maisulong ang proyekto sa lugar.
Sa kasalukuyan, nananatiling lubog sa baha ang bahagi ng Zamora Extension kaya hindi ito madaanan ng mga sasakyan.
Ayon kay Filomena Quiñones, residente ng Barangay Pogo Chico, mahigit isang buwan na nilang nararanasan ang pagbaha sa lugar. Umaasa siyang kasabay ng pagpapataas ng kalsada ay maisasagawa rin ang pagtataas ng mga pathway upang mas ligtas at mas madaling madaanan ng mga residente.
Sa kabila ng pagbaha, patuloy namang nagbubukas ang ilang negosyo sa Zamora Extension.
Kabilang dito ang tindahan ni Kristine Camba, na nagpaplanong itaas din ang flooring ng kanilang establisyemento upang maiwasang pasukin ng tubig kapag muling tumaas ang baha.
Samantala, hindi pa tuluyang maisulong ang naturang proyekto dahil sa mataas na lebel ng tubig sa lugar, gayundin sa patuloy na pag-iingat bunsod ng kondisyon ng ilog. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










