DOH-DTRC DAGUPAN, PLANONG DAGDAGAN NG 500 ANG BED CAPACITY

Planong dagdagan ng Department of Health–Drug Treatment and Rehabilitation Center o DOH-DTRC Dagupan ang kanilang bed capacity ng hanggang 500 upang matugunan ang patuloy na pagdami ng mga kliyenteng nangangailangan ng serbisyo at rehabilitasyon.

Ayon kay Chief Administrative Officer Raymund Basbas, lumampas na sa kasalukuyang 300 bed capacity ng Center ang bilang ng mga naka-confine, dahilan upang isaalang-alang ang karagdagang kapasidad para mas mabigyan ng sapat na atensyon ang mga kliyente.

Sa kabila ng pagkapuno ng kanilang bed capacity, patuloy pa rin umanong tinatanggap ng DOH-DTRC ang mga kliyenteng nangangailangan ng gabay at tulong.

Hindi rin umano namimili ang Center ng kanilang siniserbisyuhan, dahil bukas ang kanilang serbisyo sa mga kliyente anuman ang kanilang estado sa buhay.

Sa kasalukuyan, nasa 334 ang mga kliyenteng naka-confine sa Center.

Patuloy din namang tinututukan ng DOH-DTRC ang mga nasa Aftercare at Out-patient services upang maipagpatuloy ang proseso ng kanilang rehabilitasyon at matulungan silang magkaroon ng panibagong simula. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments