Bangsamoro Inventions tampok sa SK Gym

Binuksan na sa publiko ang mga Exhibits na itinampok sa Regional Invention Contest kasabay ng pagdiriwang ng Regional Science and Technology Week .

Kahapon, pinangunahan mismo ni Department of Science and Technology ARMM Secretary Myra Mangkabung at Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura ang opening ceremony.

Venue ng exhibit ngayong taon ang Sultan Kudarat Gym, 17 ang naging RICE participants na nagtatampok ng ibat ibang inventions mula sa ibat ibang bayan ng rehiyon. Tema ng okasyon ay “ Science for the People”.


Bisita sa aktibidad sina Engr. Edgar Garcia, Executive Director ng TAPI-DOST , Rose Marie Garcia , Supervising Science Research Specialist, Sulu Assemblywoman Irene Tilah at mga representante ng ibat ibang ahensya.

Inaanyayahan naman ni Secretary Mangkabung ang publiko na bumisita sa SK Gym para makita ang mga ipinagmamalaking gawa at inventions ng mga Bangsamoro. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments