Wednesday, June 17, 2026

Yellow Alert status sa Visayas Grid, posibleng matapos hanggang Hulyo ayon sa DOE

Hindi na aabot sa buwan ng Agosto ang Yellow Alert sa Visayas Grid.

Ang Yellow Alert ay itinataas kapag mas mababa ang suplay ng kuryente kaysa karaniwan dahil sa pagnipis ng mga reserba.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Sec. Sharon Garin, inaasahan na matatapos na ang Yellow Alerts sa Visayas bago matapos ang Hulyo.

Aniya, mahigpit kasi ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad maghanap ng mga solusyon para matuldukan na ang pagnipis ng suplay ng kuryente sa Visayas Region.

Dahil dito, doble-kayod ang DOE at ang iba pang mga ahensiya para mapabilis ang mga hakbang na kailangan habang isinasagawa ang mga medium at long-term interventions.

Prayoridad ngayon ng DOE na mabigyan ng kaginhawaan ang mga consumers sa Visayas at maiwasan ang mga aberyang dulot ng kakulangan sa suplay ng kuryente.

Buwan ng April nang magsimulang mag-isyu ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng mga alerto sa Visayas at Mindanao Grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Facebook Comments