Tuesday, June 16, 2026

Bilang ng mga napaulat na nasawi kaugnay ng 7.8 magnitude na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao, umabot na sa 68 —NDRRMC

Umabot na sa 68 indibidwal ang napaulat na nasawi dulot ng 7.8 magnitude na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao.

Sa ulat ng NDRRMC, aabot sa 33 ang napaulat na nawawala at 1,339 ang napaulat na injured .

Kaugnay nito, nasa 338,000 na pamilya naman o katumbas ng 1.38 million na indibidwal ang naitalang naapektuhan ng nasabing lindol.

Habang nasa higit 4 na libong pamilya ang nananatili sa 44 evacuations centers .

Samantala, sa mga tala naman ng mga nasirang kabahayan, 12,400 na kabahayan ang totally damaged at 55,600 ang naitala namang bahagyang nasira.

Nasa higit P1-B naman ang naitalang halaga ng nasira sa imprastraktura at nasa P29.8-M naman ang halaga ng mga naitalang nasira sa agrikultura.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang operasyon ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan sa mga apektadong lugar sa Mindanao.

Facebook Comments