Friday, June 19, 2026

Senior High School court sa Ateneo de Davao University, ipapangalan kay Rene Baterbonia

COURTESY: Ateneo de Davao University

Inanunsyo ng Ateneo de Davao University ang pagpapangalan ng ‘Rene “Bobet” Baterbonia Covered Courts’ o RBBCC sa mga court ng senior high school sa nasabing unibersidad.

Alinsunod yan sa inilabas na Memorandum of Agreement 2026-0051 ng unibersidad kasunod ng pag-aapruba dito ng Board of Trustees sa ilalim ng Board Resolution No. 2026-0020.

Ayon sa nasabing Memorandum, ito umano ang Court kung saan sinanay at naglaro si Baterbonia para maging mahusay na atleta.

Magsisilbi ring paalala at insperasyon ang pangalan ni Baterbonia sa mga susunod na henerasyon ng mga studyante na susunod sa kaniyang yapak sa larangan ng sports.

Samantala, aasikasuhin na rin ng uniberaidad ang pag i-install ng signage at dedication ceremony.

Facebook Comments