Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan at Integrated Bar of the Philippines (IBP) Pangasinan Chapter noong June 9, 2026 upang palakasin ang proteksiyon sa mga mamimili at magbigay ng libreng legal na tulong sa mga kwalipikadong naghahain ng reklamo.
Sa ilalim ng kasunduan, ire-refer ng DTI sa IBP ang mga consumer cases na may Certificate to File Action upang mabigyan ng pro bono legal assistance, kabilang ang paghahanda ng mga kinakailangang dokumento para sa pagdinig ng kaso.
Saklaw ng programa ang mga reklamong may kinalaman sa depektibong produkto at serbisyo, mapanlinlang na advertising, paglabag sa warranty, ilegal na “No Return, No Exchange” policy, pyramid schemes, at iba pang paglabag sa mga batas para sa proteksiyon ng mamimili.
Ayon sa dalawang institusyon, ang kasunduan ay isang mahalagang hakbang upang mapalawak ang akses sa hustisya at mapalakas ang karapatan ng mga konsyumer sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








