Tuesday, July 28, 2026

BANTA SA SEGURIDAD NG PAARALAN, AGAD TINUGUNAN NG PULISYA SA SAN JACINTO NHS

Agad na kumilos ang kapulisan ng San Jacinto matapos makatanggap ng ulat hinggil sa online na pagbabanta sa kaligtasan at seguridad ng San Jacinto National High School.

Pinangunahan ni PMAJ Hermie S. Raymundo, OIC, ang pakikipagpulong sa pamunuan ng paaralan upang talakayin ang mga hakbang na magtitiyak sa kaligtasan ng mga guro, mag-aaral, at iba pang kawani ng eskwelahan.

Kasunod nito, nagsagawa rin ng masusing inspeksyon ang mga pulis sa loob ng paaralan upang matiyak na ligtas ang buong pasilidad at walang anumang kahina-hinalang kagamitan o bagay na maaaring magdulot ng panganib o kaguluhan.

Ayon sa pulisya, bahagi ng kanilang agarang pagtugon ang pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng paaralan upang mapanatili ang kaayusan at matiyak ang seguridad ng lahat ng nasa loob ng campus habang patuloy na sinusubaybayan ang sitwasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments