Pinangunahan ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang sabayang pagsasagawa ng “One Coast, One Community Run” KALASAG-DAGAT 2026, isang malawakang inisyatiba sa buong Ilocos Region na naglalayong isulong ang kamalayan sa usaping pandagat, pangangalaga sa baybayin, at pakikiisa ng publiko sa pagpapanatili ng seguridad sa karagatan.
Humigit-kumulang 5,000 katao ang nakiisa sa sabayang fun run na isinagawa sa PRO 1 Headquarters, lahat ng Police Provincial Offices, at City Police Office.
Kabilang sa mga lumahok ang mga kinatawan ng 35 katuwang na ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, non-government organizations (NGOs), mga lokal na pamahalaan, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), mga stakeholder ng komunidad, mga pulis, kawani ng gobyerno, mangingisda, at mga mag-aaral.
Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mas malusog na pamumuhay, palakasin ang pagkakaisa ng komunidad, at ipakita ang suporta sa pangangalaga sa karagatang sakop ng Pilipinas, kabilang ang West Philippine Sea.
Kasabay ng naturang fun run ang pagdaraos ng West Philippine Sea Summit na may temang “Bayanihan para sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas 2026.”
Pinangunahan ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Award.
Sa temang “Isang Bansa. Isang Dagat. Isang Paninindigan,” tinalakay sa summit ang mga Provincial Action Plan ng sampung lalawigang nasa baybayin ng West Philippine Sea, kabilang ang Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, at Ilocos Norte.
Nakatuon ang mga plano sa pagpapalakas ng seguridad sa karagatan, pangangalaga sa kalikasan, katatagan ng mga baybaying komunidad, at pagpapalawak ng kamalayan ng publiko.
Bahagi ang naturang aktibidad ng KALASAG-DAGAT, pangunahing kampanya ng PRO 1 para sa seguridad sa karagatan na isinasagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at mga lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments