Tuesday, July 28, 2026

Mga senior citizen, tila walang puwang sa national agenda dahil hindi nabanggit sa SONA ni PBBM

Pinuna ni Senior Citizens Party-list Representative Rodante “Ompong” Ordanes ang kawalan ng malinaw at partikular na programang nabanggit para sa mga senior citizen sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon, Hulyo 27.

Ayon kay Ordanes, nagagalak sila sa pagpapalawig ng mga medisina na hindi saklaw ng Value Added Tax (VAT) gayundin sa Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) ngunit hiling nito ang kongkretong hakbang ng administrasyon hinggil sa Universal Social Pension, geriatric healthcare, at mas madaling access sa mga benepisyo para sa nakatatanda.

Diin ni Ordanes, marami pa ring mga senior citizen ang naghihintay ng sapat na pensyon, dekalidad na serbisyong pangkalusugan, at mga programang magbibigay sa kanila ng seguridad at dignidad sa pagtanda.

Nakakalungkot para kay Ordanes na sa kabila ng patuloy na pagdami ng mga senior citizen at ng kanilang malaking ambag sa pagbuo ng ating bansa ay tila nananatiling nasa gilid lamang ng pambansang agenda ang kanilang kapakanan.

Facebook Comments