Tuesday, July 28, 2026

MGA NATATANGING PULIS SA PANGASINAN, PINARANGALAN

Pinarangalan ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang mga natatanging pulis sa isinagawang Monday Flag Raising Ceremony sa Camp Gov. Antonio U. Sison sa Lingayen, Pangasinan.

‎Pinangunahan ni Police Colonel Dennis L. De Leon, Officer-in-Charge at Provincial Director ng Pangasinan PPO, ang pagkilala sa mga opisyal at tauhan ng pulisya na nagpakita ng pambihirang dedikasyon, propesyonalismo, at kahusayan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

‎Ayon sa Pangasinan PPO, malaki ang naging ambag ng mga pinarangalan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo publiko sa lalawigan.

‎Sa kanyang mensahe, pinuri ni PCOL De Leon ang mga awardee dahil sa kanilang dedikasyon, integridad, at patuloy na pagsusumikap na maihatid ang mahusay na serbisyo sa publiko.

‎Aniya, ang kanilang mga tagumpay ay sumasalamin sa hangarin ng Pangasinan PPO na magkaroon ng isang propesyonal, tumutugon, at makataong hanay ng pulisya.

‎Kinilala rin ni De Leon ang sakripisyo at dedikasyon ng mga tauhan ng Pangasinan PPO na naatasang tumulong sa pagpapatupad ng seguridad sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

‎Aabot sa 351 na tauhan ng Pangasinan PPO at anim na miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang ipinadala upang palakasin ang seguridad at matiyak ang mapayapa, maayos, at ligtas na pagdaraos ng naturang okasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments