
Mariing tinututulan ni Senator Risa Hontiveros ang posibleng pagbuhay ni Pangulong Bongbong Marcos sa nuclear energy production.
Punto ni Hontiveros, ang nuclear energy ang unang naging rason kaya siya naging aktibista noong high-school at hanggang SA ngayon ay patuloy siyang hindi sumasangayon dito.
Sinabi ng senadora na hanggang ngayon ay wala namang raw materials ang bansa para sa pag-generate o pagpo-produce ng nuclear energy kundi ito ay iaangkat pa mula sa ibang bansa.
Maliban dito, napakabigat na isyu rin ang tama at ligtas na disposal o pagtatapon ng radioactive waste.
Giit pa ni Hontiveros, hindi hamak na mas ligtas at mas likas sa bansa ang paggamit ng renewable energy na bukod sa libre lang na makukuha ay kailangan lamang ayusin ang pagupload ng enerhiyang mapoproduce sa grid at maayos na maipasok ng energy distributors at power generators.










