
Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagiging “impartial” o patas sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos mag-convene forthwith ang Senado bilang impeachment court na pagsisimula na ng impeachment trial sa bise.
Ayon kay Go, dahil nangyari na ang pagco-convene ng Senado bilang impeachment court, marapat lamang na ipakita nila ang kanilang pagiging impartial, kabilang man sa Duterte bloc o hindi.
Paalala ng senador na mandato nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang senator-judges.
Kahapon sa sesyon, bukod sa walang palitan ng liderato ng Senado na nangyari ay nakapag-convene na rin ang institusyon bilang impeachment court.
Nanatiling Senate President si SP Alan Peter Cayetano na may 13 myembro mula sa mayorya habang mula sa 9 ay naging 11 na ang mga myembro ng minorya.










