
Isang petisyon ang inihain sa Korte Suprema na layong hilingin na ipawalang bisa ang resolusyon ng Senado na naglalagay sa protective custody kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Batay sa 18 pahinang petisyon ng gurong si Barry Tayam, hiniling niya na dapat tuparin ng Senado ang nararapat na gawin.
Umapela rin siya sa Kataas-taasang Hukuman na atasan ang Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) na isilbi ang warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban sa senador.
Hindi rin aniya makatwiran na gamitin ang Senado bikang kanlungan ng isang mambabatas na may kinakaharap na mabigat na kaso.
May mensahe naman si Tayam para kay Senator Bato ngayong ipinaaaresto siya ng ICC.










