Tuesday, May 19, 2026

Senado, nagtalaga ng mga bagong committee chairman; mga miyembro ng minority, tinanggalan ng chairmanship

Itinalaga muli ng Senado ang mga bagong committee chairmanship sa ilalim ng liderato ni Senate President Alan Peter Cayetano.

Apat na senador na kasapi na ngayon ng minority bloc ang inalisan ng Chairmanship sa ilang komite.

Kabilang na rito si Senator Risa Hontiveros na dating Chairperson ng Committee on Health na pinalitan ni Senator Bong Go; si Senator Bam Aquino na inalis na Chairman ng Committee on Basic Education na pinalitan ni Senator Loren Legarda; Committee on Public Services na pinamumunuan dati ni Senator Raffy Tulfo na ngayon ay na kay Senator Rodante Marcoleta na; at si Senator Erwin Tulfo na dating Chairman ng Senate Committee on Games and Amusement na pinalitan ni Senator Jinggoy Estrada.

Nanatili namang Chairman ng Culture and the Arts Committee si Legarda; si Senator Pia Cayetano naman na nanatiling Chairperson ng Ways and Means, Sustainable Development Goals at Energy; si Go pa rin ng Chairman ng Sports Committee; si Senator Joel Villanueva na Chairman ng Higher, Technical and Vocational Education; si Estrada balik bilang Chairman ng National Defense and Security; at Senator Robin Padilla na Chairman pa rin ng Public Information and Mass Media at Cultural Communities and Muslim Affairs.

Samantala, dalawa naman ang ikinukunsidera na kapalit ni Senator Ping Lacson sa Blue Ribbon Committee, sina Senator Pia Cayetano at Marcoleta.

Facebook Comments