
Tiwala si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., na hindi magiging dahilan ng pag-aaklas ng mga sundalo ang nangyaring kaguluhan sa loob ng Senado kagabi.
Nabatid na umalingawngaw sa Senado kagabi ang magkakasunod na putok ng baril sa gitna ito ng isyu ng International Criminal Court (ICC) warrant ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Samantala, muli namang nilinaw ni AFP Chief Brawner na mga security detachment na nakatalaga talaga sa Senado ang mga Philippine Marines na namataan sa lugar nang mangyari ang insidente.
Nilinaw din niya na support unit lang ang papel nito sa Senado at hindi rin sila ang nagpaputok ng armas noon.
Gayunpaman, hindi rin muna nagtaas ang AFP ng alert status nito kaugnay ng nasabing insidente.










