
Iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na maaari pa rin nilang arestuhin sa Senado si Senador Ronald dela Rosa.
Ayon kay Matibag, iniwasan lamang din nila na magkaroon ng komosyon sa Mataas na Kapulungan noong Lunes kaya nirespeto nila ang protective custody kay Dela Rosa.
Kinumpirma naman ni Matibag na nakikipagpulong na sila sa Justice Department para sa mga susunod na hakbang sa pag-aresto kay Dela Rosa.
Hinimok din ni Matibag ang senador na sumuko na sa mga awtoridad habang naghihintay ng desisyon sa pagdulog nito sa Korte Suprema.
Facebook Comments










