BATANG LALAKI, TINANGKANG DUKUTIN SA TABUK CITY

23
Isang 11-taong gulang na batang lalaki ang tinangkang dukutin sa Bgry. New Tanglag, Tabuk City, Kalinga kamakailan.

Sa ibinahaging impormasyon ng Tabuk City Public Information Office, puwersahang kinuha ng suspek ang batang biktima at dinala sa bulubunduking lugar ng barangay matapos makita ng batang lalaki na sumilip ang suspek sa banyo kung saan naliligo ang tiyahin nito.

Hinablot umano ng suspek ang batang lalaki ng makita itong tumatakbo.

Dahil sa kaguluhan ay naalerto ang mga tao sa paligid at itinawag ng insidente sa PNP Tabuk.

Agad naman nagsagawa ng pursuit operation ang pulisya at maswerteng nakatakas ang batang lalaki mula sa suspek.

Dinala ang batang biktima sa ospital ng PDRRMO para sa medikal na pagsusuri bago irekomenda sa CSWD para sa debriefing.



Hinihinala naman na tinakot umano ng suspek ang biktima upang di sabihin ang pagkakakilanlan nito.

Nagsasagawa rin follow-up inquiry ang mga pulis para matukoy ang suspek.


Kaugnay nito hinimok ng kapulisan ang publiko na makipag-ugnayan sa mga hotline ng PNP kung may alam sila tungkol sa suspek o may personal na impormasyon tungkol sa kanya.

Pinaalalahanan din PLTCOL Dinulong Tombali, hepe ng PNP Tabuk ang mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak.

Facebook Comments