Thursday, June 18, 2026

Pre-trial conference sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte, umarangkada na ngayong araw

Pormal na sinimulan ngayong araw ng Senate impeachment court ang pre-trial conference para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Pinangunahan ang pagpe-preside sa preliminary meeting nina Senate Secretary at Clerk of Court Renato Bantug Jr., kasama sina Deputy Clerks of Court Atty. Marivic Laurel-Garcia at Atty. Maria Valentina Cruz.

Dumating ang mga kinatawan ng House prosecution panel sa pangunguna ni Batangas Rep. Gerville Luistro habang sa defense team naman ay pinangunahan ni Atty. Michael Poa.

Ang pre-trial ay magsisilbing inisyal o paunang pangangalap ng mga ipiprisintang facts, ebidensya at testigo para matiyak ang mabilis na proseso kapag nag-convene na ang impeachment court sa July 6.

Naunang sinabi ni Poa na normal na proseso lang naman ang pre-trial conference kung saan dito nangyayari ang paglalatag ng mga ipiprisinta sa mismong proper-trial sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Bagama’t mayroong pagtatalo sa pagitan ng dalawang panel, pangkaraniwan lamang aniya ito sa isang trial at sa huli ay nasolusyunan naman na bahagi pa rin para mapabilis nila ang proseso ng impeachment.

Ngayong hapon, nasa markings na sila ng mga ebidensya at dokumento subalit hindi na ito idinetalye ng defense team.

Facebook Comments