Friday, June 19, 2026

ZERO OPEN DEFECATION REGIONAL VALIDATION, SINIMULAN SA MANAOAG

Pormal nang sinimulan ang tatlong araw na Zero Open Defecation (ZOD) Regional Validation sa bayan ng Manaoag noong Hunyo 17, 2026, bilang bahagi ng pagsusuri sa pagsunod ng mga barangay sa pamantayan ng kalinisan at sanitasyon.

Pinangunahan ng mga sanitary engineers at personnel mula sa Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) Region 1, katuwang ang Provincial Health Office, ang aktibidad na sumasaklaw sa 26 barangay ng bayan.

Layunin ng ZOD validation na tiyakin na wala nang open defecation sa mga komunidad at ganap na naipapatupad ang wastong sanitation standards. Ayon sa mga kinauukulan, mahalaga ito sa pagpigil ng mga waterborne disease, pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran, at pagpapabuti ng kalusugan ng mga residente.

Binigyang-diin din na ang pagkamit at pagpapanatili ng ZOD status ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas, malinis, at mas maayos na pamumuhay ng bawat mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments