
Nanawagan ang mga mga estudyante, guro, at empleyado ng Ateneo de Manila University (ADMU) ng mas aktibong pakikilahok ng komunidad sa mga usaping may kinalaman sa campus safety at student welfare.
Kasunod ito ng isinagawang academic walkout at candlelighting ngayong hapon bilang pakikidalamhati at pag-alala sa mga pumanaw na student-athelete na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Isinabay ang walkout sa commencement ng graduate class of 2026.
Ayon kay Jedryc Romero, presidente ng Sanggunian, layunin ng pagtitipon na ipakita ang pagkakaisa ng komunidad sa panawagan para sa katotohanan, hustisya, malinaw na paliwanag, at pananagutan kaugnay ng sinapit ng dalawang estudyante.
Ayon pa sa grupo, ang kakulangan ng transparency ay nagpasiklab ng ibat-ibang espekulasyon na naging sanhi ng maling pagbunton ng galit sa mga kakampi ng dalawa.
Iginiit din ng mga estudyante na naniniwala silang posible pang magkaroon ng pagbabago sa institusyon o sa liderato para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral.
Kaugnay nito, nanawagan ang ateneo seniors’ alliance ng tahimik na protesta matapos ang seremonya bilang pakikiisa sa panawagan ng hustisya.










