Monday, May 11, 2026

PULIS, RUMESPONDE SA REKLAMO NG MAINGAY NA VIDEOKE SA URBIZTONDO

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Urbiztondo Municipal Police Station sa iniulat na insidente ng videoke nuisance sa Barangay Malaca, Urbiztondo, Pangasinan matapos makatanggap ng tawag sa 911 emergency hotline.

Agad na ipinadala sa lugar ang mga rumespondeng pulis upang beripikahin ang insidente at tiyakin ang kaligtasan ng mga sangkot.

Matapos ang kaukulang koordinasyon at pagresponde, maayos na naipasa ang insidente sa mga opisyal ng barangay para sa naaangkop na aksyon at disposisyon.

Ayon sa pulisya, ipinapakita ng mabilis na pagresponde ang patuloy na pagtutok ng Urbiztondo Municipal Police Station sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad, gayundin sa pagbibigay ng agarang serbisyo sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments