Isinagawa ang unang batch ng training sa loob ng dalawang araw sa pangunguna ng Agricultural Training Institute katuwang ang Philippine Coconut Authority mula sa Regions I, II, at Cordillera Administrative Region.
Nasa 32 ang lumahok sa pagsasanay kabilang ang 28 magniniyog mula sa apat na kooperatiba at apat na Agricultural Extension Workers mula sa lokal na pamahalaan ng Bani.
Tampok sa pagsasanay ang tamang pagkilala sa mga peste, wastong monitoring techniques sa mga taniman ng niyog, at mga hands-on na aktibidad para sa maagang pagtukoy ng mga banta sa pananim.
Layunin ng programa na mabigyan ang mga magsasaka ng sapat na kaalaman at kasanayan upang matugunan ang mga suliranin sa produksyon ng niyog, partikular ang mga peste at sakit na nakakaapekto sa ani. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








