Monday, May 11, 2026

LALAKI, TIKLO SA KASONG PAGLABAG SA CHAINSAW ACT SA SISON

Arestado ang isang 26-anyos na lalaki sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Sison Municipal Police Station sa Barangay Poblacion Central, Sison, Pangasinan kaugnay ng paglabag sa Chainsaw Act.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Setyembre 20, 2024 ng Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, First Judicial Region, sa Urdaneta City, Pangasinan para sa kasong paglabag sa Republic Act 9175 o Actual Unlawful Use of Chainsaw.

Matapos ang pag-aresto, agad na isinailalim ang akusado sa medical at physical examination bago dinala sa kustodiya ng Sison Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at proseso.

Ayon sa pulisya, bahagi ang operasyon ng pinaigting na kampanya laban sa mga lumalabag sa batas upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments