
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Alaminos City Police Station sa iniulat na insidente ng pagsusunog ng basura matapos makatanggap ng tawag sa 911 emergency hotline noong Mayo 10, 2026.
Bandang 9:35 ng umaga nang dispatchan ng mga pulis ang lugar upang beripikahin ang ulat hinggil sa public disturbance na dulot ng pagsusunog ng basura.
Pagdating sa pinangyarihan, kinumpirma ng mga awtoridad ang insidente at agad na pinayuhan ang may-ari na apulahin ang apoy upang maiwasan ang posibleng panganib at paglala ng sitwasyon.
Ayon sa pulisya, patuloy nilang pinaaalalahanan ang publiko na pairalin ang wastong pagtatapon ng basura at iwasan ang open burning upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad.
Hinihikayat din ang publiko na agad na tumawag sa 911 para sa agarang responde sa mga insidente at emergency. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







