
Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang planong pagsasara ng mini dumpsite sa Barangay Bonuan Binloc bilang bahagi ng mas mahigpit na pagpapatupad ng waste management.
Paiigtingin ang mahigpit na implementasyon ng garbage segregation, kabilang ang ordinansang “no collection” kung hindi maayos ang pagkakahiwalay ng basura.
Sa kabila nito, aminado ang pamahalaan na may ilan pa ring hindi sumusunod sa patakaran. Kaya naman, inaatasan ang mga barangay council na maging mas hands-on at magsagawa ng pagtuturo ng tamang segregation sa bawat sitio.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng koordinasyon ng lahat, hindi lamang ng mga opisyal kundi pati ng mga residente.
Umaasa ang lokal na pamahalaan sa pakikiisa ng publiko para sa mas malinis at maayos na siyudad ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










