DISCONNECTION NG KURYENTE, SINUSPINDE SIMULA MAYO HANGGANG HULYO DAHIL SA KRISIS

Nakatakdang ipatupad ng electric companies tulad ng Dagupan Electric Corporation (DECORP) ang pag-aantala ng disconnection ng kuryente sa loob ng tatlong buwan simula ngayong Mayo hanggang Hulyo.

‎Ito ay alinsunod sa utos ng Energy Regulatory Commission bunsod ng umiiral na National Energy Emergency sa bansa, na nagpapahintulot sa utay-utay na pagbabayad ng electric bill sa mga nabanggit na buwan.


‎Binigyang linaw ni DECORP COO Atty. Randy Castillan, na magkakaroon pa rin ng disconnection notice para sa buwan ng Abril, at epektibo lamang ang direktiba ngayong Mayo na magtutuloy hanggang buwan ng Hulyo.

‎Nasa 150,000 na consumer ang sineserbisyuhan ng DECORP kaya naman pinaalalahanan din ang mga ito na magtipid sa konsumo ng kuryente lalo ngayong mas kinakailangan ito dahil sa mainit na panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments