Friday, November 20, 2026

Pilipinas at Peru, magtutulungan sa paghahanda sa Super El Niño

Pinalawak pa ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Peru at Papua New Guinea sa pamamagitan ng pagtutulungan sa paghahanda sa Super El Niño, kalakalan, pangingisda at enerhiya.

Sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay bagong halal na Peruvian President Keiko Fujimori, tinalakay ang paghahanda sa inaasahang Super El Niño na posibleng makaapekto sa dalawang bansa.

Napag-usapan din ang pagpapalawak ng kalakalan sa pamamagitan ng pagtatatag ng Philippines-Peru Joint Trade Commission.

Samantala, sa pakikipagpulong kay Papua New Guinea Prime Minister James Marape, tinalakay ang posibleng pamumuhunan ng mga Pilipino sa pangingisda at imprastraktura ng mga daungan.

Kasama rin sa mga plano ang pagpapalakas ng kooperasyon sa enerhiya at turismo.

Facebook Comments