BI, wala nang tauhan na may aktibong kaso ng COVID-19

Ideneklara ng Bureau of Immigration (BI) na COVID-19 free na ang hanay ng kanilang mga tauhan sa mga paliparan sa buong bansa.

Sa kabila ito ng pagbubukas ng borders ng Pilipinas mula noong February 10.

Ayon sa BI, sa 800 na tauhan nila sa international airports sa buong bansa, wala na ritong may aktibong kaso ng virus.


622 sa mga ito ay nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals, habang ang iba ay naka-assign sa Mactan, Clark at Davao.

Bunga nito, mas maayos na anilang nakakapagbigay ng serbisyo ang BI sa mga dumadating at umaalis na pasahero.

Facebook Comments