Grupong PISTON, balik pasada na matapos tapusin ang kanilang lunch break rally

Tinapos na ng grupong PISTON ang kilos-protesta sa Litex sa Commonwealth Avenue sa Quezon city.

Sabay-sabay na nagsagawa ng lunch break protest ang grupo sa anim na lugar sa Metro Manila.

Ayon sa presidente ng Piston na si Ka Mody Floranda, ang aktibidad ay layong ipanawagan na suspindihin ng gobyerno ang excise tax at pagbasura sa Oil Deregulation Law.


Dinala na nila sa kalye ang kanilang hinaing dahil wala umanong nakikipag-usap sa kanila tungkol sa kanilang krisis na kinakaharap.

Facebook Comments