
Umabot na sa mahigit 1.5 million indibidwal ang apektado ng lindol na tumama sa Mindanao, base sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Katumbas umano ito ng 357,249 na pamilya mula sa 590 na barangay sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSARGEN, at BARMM.
Ayon sa DSWD, nananatili pa rin sa 47 evacuation centers ang 5,031 pamilya o 21,903 inbidibwal, habang nakikitira naman sa kanilang mga kaanak o kaibigan ang 16,673 pamilya o katumbas ng 63,351 katao.
Maliban jan, naitala rin ng ahensya ang 13,969 totally damaged na kabahayan habang 67,386 naman ang naitalang partially damaged.
Samantala, umabot na sa mahigit P267.9-M ang halaga ng tulong na naipaabot ng ahensya sa mga naapektuhan ng malakas na lindol, at nagtutuloy-tuloy pa ito kasabay ng kanilang relief operations sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.










