
Nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang 20 mga baril na nakarehistro kay Senador Ronald Dela Rosa.
Ayon sa Civil Security Group, isinuko ang mga armas ng legal representative ni Dela Rosa sa Regional Civil Security 11 sa Davao City.
Kung saan nag-isyu naman sila ng acknowledgment receipts sa kampo ng senador.
Isinagawa naman agad ang CSG ang naayong safekeeping process sa mga armas bilang bahagi ng Notice and Order of Revocation of License to Own and Possess Firearms at firearm registrations.
Nabatid na noong May 27 nang bawiin ng Firearms and Explosives Office ang LTOFP at Firearm Registrations ni Dela Rosa sa higit 100 mga baril nito.
Sa ngayon may nasa kabuuang 97 pa na mga baril ang hindi nasu-surrender ng senador.
Facebook Comments










