Thursday, June 18, 2026

DOJ, ibinalik sa PNP-CIDG ang reklamong obstruction of justice laban kay Sen. Padilla

Ibinalik ng Department of Justice (DOJ) sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang reklamong obstruction of justice laban kay Senador Robin Padilla.

Ito’y may kaugnayan sa pagtulong nito para palihim na makaalis si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado noong Mayo 14.

Paliwanag ni Justice Secretary Fredderick Vida, humiling ang nag-iimbestigang prosecutor ng karagdagang dokumento at sinumpaang salaysay mula sa ilang indibidwal na sangkot sa kaso.

Aniya, nagpadala rin ang DOJ ng isang liham kay Atty. Jimmy Bondoc, abogado ni Dela Rosa, upang humingi ng paglilinaw sa ilang pahayag nito kaugnay ng pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa senador.

Matatandaan na si Sen. Dela Rosa ay may warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC), na in-unseal noong Mayo 11 kasabay ng kanyang paglitaw sa Senado matapos ang ilang buwang pagliban.

Isinailalim siya sa protective custody ngunit kalaunan ay palihim na umalis ilang oras matapos ang nangyaring kaguluhan at putukan sa Senate building.

Facebook Comments