
Naaalarma ang Malacañang sa mga ulat tungkol sa posibleng banta sa Senado at sa paligid nito.
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, hindi mahirap tukuyin kung sino ang nasa likod ng 18 dating bodyguard na sangkot sa mga kontrobersyal na pahayag.
Tahasang itinuro ni Castro si dating Congressman Mike Defensor, na aniya’y hayagang nananawagang mapatalsik sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Giit pa ni Castro, maraming butas at walang matibay na ebidensiya ang kanilang mga kuwento.
Dahil dito, sinabi ng Malacañang na lalong nagiging kuwestiyonable ang tunay na motibo ng mga nasa likod ng mga paratang at umano’y pagkilos na maaaring magdulot ng kaguluhan.
Facebook Comments










