
Nagsagawa ng inspeksiyon si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon sa proyektong dalawang taong natengga matapos maapektuhan ng flood control scandal.
Ito ay ang konstruksiyon ng flood control structure Almirante Creek sa Marcos Alvarez, Las Piñas City partikular ang ilalim ng tulay.
Mula sa dating mga imbornal na nakakapagdulot ng pagbaha ay pinalitan na ito ng box culvert type kaya maluwag na ang daluyan ng tubig.
Marso 27, 2024 pa sinimulan ang proyekto at pagkatapos ng mahigit dalawang taon ay matatapos na ito sa katapusan ng Hunyo.
Labis namang ikinatuwa ni nanay Naida dela Cruz ang konstruksiyon ng tulay para hindi na bumaha sa lugar.
Ilang beses na rin aniyang nabasa ang kanyang panindang bigas dahil sa pagbaha.
Facebook Comments










