
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na pahalagahan at pangalagaan ang kalayaan ng bansa na ipinaglaban ng ating mga bayani.
Sa kanyang mensahe para sa ika-128 Araw ng Kalayaan, sinabi ni Marcos na ang kalayaan ay sumasalamin sa karapatan ng mga Pilipino na magpasya para sa sariling kinabukasan.
Ayon sa pangulo, maraming hamon na ang nalampasan ng bansa, kabilang ang mga digmaan at krisis, ngunit nananatiling matatag ang sambayanang Pilipino.
Responsibilidad din aniya ng kasalukuyang henerasyon na pangalagaan ang kalayaan sa harap ng mga hamon tulad ng maling impormasyon, maling paggamit ng teknolohiya, at pagkakawatak-watak ng lipunan.
Giit ng pangulo, ang pagtugon sa mga hamong ito ang magtatakda sa kinabukasan ng bansa.










