Bilang ng kumpirmadong patay sa gumuhong tulay sa Cavite, umakyat na sa walo!

142

Natagpuan na ang isa pang bangkay ng menor-de-edad na nasawi sa bumigay na lumang tulay sa Dasmariñas City, sa Cavite noong Martes ng gabi.

Kaya naman, pumalo na sa walo ang mga namatay sa naturang insidente.

Ayon sa mga awtoridad ng Dasmariñas City, Cavite, narekober ang huling bangkay sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG).


Pito naman sa mga kasamahan nila ang nakaligtas.

Matatandaang, sinabi ni Dasmariñas City Mayor Jennifer Barzaga, kasalukuyang tumatambay noon ang 13 kabataan nang mangyari ang insidente.

Sabi pa ng alkalde, matagal nang sarado sa publiko ang tulay dahil sa kalumaan nito.



Facebook Comments