Bilang ng mga walang trabaho dahil sa COVID-19 pandemic, bumaba na sa 10%

Bumaba na ng 10% ang bilang ng mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic kasunod ng muling pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ang nasabing porsyento ay mas mababa kumpara sa nakalipas na 17 percent.

Aniya, kumakatawan ito sa apat na milyong Filipino na nawalan ng trabaho.


Umaasa naman ang kalihim na mas bababa pa ang unemployed sa bansa.

Facebook Comments