Patakaran ng Comelec kaugnay sa election surveys, inaasahang magsusulong ng pananagutan at transparency para sa halalan

Ikinalugod ni Manila Second District Rep. Rolando Valeriano ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa pagsasagawa ng mga survey kaugnay sa halalan.

Para kay Valeriano, marapat lamang ang inilatag na patakaran ng Comelec na iparehistro ang mga nagsasagawa ng voter surveys.

Ayon kay Valeriano, mahusay ang hakbang ng Comelec para mapigilan ang paglalabas ng mga pekeng survey at para maisulong ang pananagutan at transparency kaugnay sa papalapit na botohan.

Nangako naman si Valeriano na sakaling may makita silang paglabag sa nasabing patakaran ay agad nila itong ire-report sa Comelec.

Facebook Comments